Fit Check: Confessions of an Ukay Queen
Pangarap ni Melanie na magtagumpay sa mundo ng fashion dala ng kanyang karanasan sa ukay-ukay at ng masakit na pag-abandona sa kanya ng sarili niyang ina. Mabibigyan siya ng oportunidad ni Chris, ang fashion executive ng isang papalubog na kompanya. Sa kabila ng sunod-sunod na pagsubok, hindi basta-basta susuko si Melanie upang patunayang mayroon siyang halaga at karapat-dapat siya sa pagmamahal.
