Love Is Never Gone
Itataya ni Teo ang kaniyang kapalaran sa Morocco upang masuportahan ang kaniyang pamilya at mahanap ang dating kasintahan. Doon, makikilala niya si Yana, isang Pilipinang bihasa sa panlilinlang. Magkakalapit sila, ngunit madadawit at makukulong si Teo dahil sa krimen ni Yana. Makalipas ang ilang taon, makakauwi si Teo sa Pilipinas at muling matatagpuan si Yana, buhay at marangya ang pamumuhay.
